Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10 taong Maritime Industry Deveopment Plant 2028 ayon sa kumpirmasyon ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa Executive Order No. 55 na nilagdaan ni Execuitve Secretary Lucas Bersamin noong Pebrero 8, sinabi ni PBBM na para ganap na ma-realize ang potensiyal ng bansa bilang isang maritime nation, kailangan ng ating bansa ng isang malinaw at coordinated roadmap na magpapabilis sa pag-unlad ng PH Maritime Industry.
Target ng naturang plano na magkaroon ng matatag at maaasahang PH Merchant Fleet na tutugon sa sea transport requirements bilang suporta sa pag-unlad ng bansa.
Sa naturang direktiba, inatasan din ang MARINA Board na i-adopt ang isang sistema para sa epektibong pagpapatupad, pagbabantay at pag-aaral ng plano gayundin ang nilalamang programa nito.
Kabilang sa mga programang ito ang modernisasyon, pagpapalawig at pagtataguyod ng shipbuilding at ship repair industry, pagkakaroon ng highly-skilled at competitive maritime workforce, pagpapaibayo pa ng maritime transport safety at security, at iba pa.