Nagdesisyon na si Josh Urbiztondo na magretiro sa paglalaro ng basketball.

Inanunsiyo ng dating PBA player ang kaniyang pagreretiro sa kaniyang Instagram account.

Ayon pa sa 36-anyos na basketbolista, ang desisyon ay kapwa napagkasunduan nilang mag-asawa.

Taong 2009 ng kinuha ito ng koponang Sta. Lucia sa PBA at doon nakilala bilang “The Fireball”.

Lumipat siya sa ibang koponan gaya sa Air21 at B-Meg at doon nakatikim ng kampeonato sa 2012 Commissioner’s Cup bago nailipat sa Barako Bull, Ginebra at Phoenix.

Huling naglaro ito sa PBA noong 2017 sa GlobalPort bago nagdesisyon na maglaro sa Singapore Slingers sa unang ASEAN Basketball League campaign.

Nakapaglaro din ang six-foot guard sa San Miguel Alab Pilipinas kung saan mayroong 5.4 points, 3 rebounds at 2.4 assist ang kaniyang average.