Patung-patong na kaso ang haharapin ng American national na nagtangkang magpuslit ng isang 6-month old baby sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong araw.
Ayon kay Immigration Port Division chief Grifton Medina ipinaubaya na ng Bureau of Immigration (BI) sa National Bureau of Immigration (NBI) ang kaso ng nadakip na dayuhan.
Sa panayam kay Medina, sinabi nito na isang babae at lalaki ang hinold nila kanina dahil sa umiiwas ang mga ito sa ginagawang immigration procedure.
Nang suriin, nabunyag na pinasok sa hand carry luggage ng banyagang suspek ang bagong silang na sanggol.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na may ipinresentang affidavit ang dayuhan na nagsasabing may sakit ang bata na galing Davao City.
Pero ayon kay Medina, mukhang Pinoy ang sanggol gayundin na tila walang sakit.
Wala rin daw itong mga dokumento gaya ng passport o records sa Department of Social Welfare and Development.
Kasong child trafficking at kidnapping ang isasampa laban sa babaeng naaresto.
Sa ngayon hawak na ng NBI ang suspek na noong August 28 pa dumating ng bansa.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad.