Umakyat na sa 638 ang bilang ng mga namatay dahil sa Wuhan coronavirus o kilala rin bilang novel coronavirus (nCoV).

Ang 636 sa mga ito ay mula sa Mainland China, isa ang mula sa Hong Kong at isa naman ang nanggaling sa Pilipinas.

Kabuuang 31,481 na ang mga nakumpirmang may nCoV sa buong mundo simula nang matuklasan ito noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 4,824 o katumbas ng 15 percent ang nananatili sa kritikal na kondisyon.

Habang may 1,563 din namang naka-recover, sa kabila nang naunang pagpositibo sa sakit.

-- Advertisement --