Pumalo na sa 22 katao ang nasawi dahil sa paginom ng lambanog sa probinsiya ng Quezon at Laguna.

Pinakahuling biktimang nasawi ay ang 46-anyos na si Enrico Magbuhos mula sa Quezon.

Uminom ang biktima ng lambanog noong Disyembre 23 at matapos ang isang araw ay nakaramdam ito ng pananakit sa tiyan at ulo.

Nananatili pa ito ng lang araw sa pagamutan subalit hindi na ito nagtagal pa.

Sa panawagan rin ni Department of Health Secretary Francisco Duque III, na bawasan na ang kanilang pag-iinom ng alak o iwasan na rin ang pag-inom ng mga lambanog.