Tumaas pa ang mga naitalang namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa nakalipas na magdamag.

Pinakamarami sa kanila ay nagmula sa Italy, sinusundan ng Iran at Spain.

Sa kabuuan, mayroon nang 7,158 na mga nasawi sa buong mundo.

Patuloy din ang pagdami ng mga bagong nagpopositibo sa COVID-19.

Umaabot na ito sa 182,457, kung saan 89,519 (94%) ay mild condition habang 6,163 (6%) naman ay nananatili sa critical condition.

Samantala, 79,617 naman ang naka-recover matapos ang gamutan at quarantine period.