Umaabot na sa 3,202 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Halos 40 bagong namatay ay pawang mula sa Mainland China.

-- Advertisement --

Ang mga infected naman ay pumalo ngayong araw sa 93,158.

Sa naturang bilang 32,236 o 83 percent ang mild condition at 6,771 o 17 percent naman ang nasa critical condition.

Samantala, naka-recover na ang 50,949 COVID patients, matapos ang gamutan at quarantine sa kanila.