covid map

Mahigit pa sa 30 ang panibagong nadagdag sa mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa nakalipas na ilang oras.

Dahil dito umakyat na sa 3,119 ang mga namatay bunsod ng naturang deadly virus.

-- Advertisement --

Pinakamarami pa rin ang nagmula sa mainland China na nasa 32.

Maging ang bilang ng mga infected ay tumaas pa kung saan aabot na ito sa 90,932 cases mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa bilang na ito ay 32,542 o nasa 82% ang nasa mild condition.

Habang 7,098 o 18% naman ang nasa serious o critical condition.

Sa kabila nito, naka-recover naman ang nasa 48,173 o nasa 94% nas mga dating tinamaan ng COVID-19.