NORTH CAROLINA – Umabot na sa apat ang bilang ng naitalang patay dahil sa outbreak ng “Legionnaires’ disease” sa North Carolina.

Batay sa ulat ng mga health official, mayroon nang 141 confirmed cases ng nasabing sakit.

Lumalabas na lung infection ito na airborne type kaya mabilis makahawa.

Mabilis na lumobo ang bilang ng nagpositibo rito mula noong Setyembre 6 hanggang 15, 2019. (CNN)