Reading Time: 1 minute

Asahan umano na ngayong linggo na magpapasya ang Department of Labor and Employement (DOLE) kung magpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong sa gitna ng mga nararanasang tensyon doon.

Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello, sa kasalukuyan ay kanila pang pinag-aaralan nang maigi ang nasabing posibilidad.

Paliwanag ng kalihim, ikokonsidera rin nila ang posisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil ang nasabing ahensya naman ang nagdedeklara ng alert level sa isang lugar na may kaguluhan at maaring makaapekto sa mga Pinoy workers.

Nakatakda ring makipagpulong ngayong araw si Bello sa OFW Organization upang makuha ang kanilang panig sa posibleng pagpapatupad ng deployment ban.

Sa ngayon, pinaiiwas ng kagawaran ang mga Pinoy sa mga lugar na mayroong nangyayaring kaguluhan para hindi sila madamay.

Pinaiiwas din muna sila sa pamamasyal at manatili lamang sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan at sa kanilang bahay.