DAVAO CITY – Patay ang isang ama matapos umanong saksakin ng live-in partner ng kanyang anak na babae.

Kinilala ang biktima na si Trinidad Barriga, 69-anyos na residente ng San Isidro Kalubihan, Ecoland sa Lungsod ng Davao.

Sa salaysay ng suspek na si Erwin Apolentesima Capul, 56-anyos na residente ng Taal, Bangkal sa parehong lungsod at sinasabin dating pastor ng Born Again Church, wala siyang intensyon na patayin ang biktima.

Nagawa lamang umano niya ang krimen bilang self defense matapos tinangka siyang paluin ng tubo sa ulo ng biktima.

Nabatid na sugatan din ang kinakasama ng suspek na nakilalang si Mildred Bariga, 49-anyos na ginagamot pa sa Southern Philippines Medical Center.

Pasado alas-6:00 kaninang umaga nang magkaroon ng alitan ang suspek at ang biktima sa loob mismo ng bahay nito.