Arestado ang isang pastor dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan ng Cubao Police Station, na itinuturo ng mga drug suspek na kanilang naaaresto ang 49-anyos na pastor mula sa Cainta, Rizal na siyang pinagmumulan ng droga.

Matapos ang ilang araw na pagmamanman ay agad nilang ikinasa ang operasyon nitong madaling araw ng Sabado.

Nakuha sa suspek ang 10 sachet na naglalaman ng shabu.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa hindi na pinangalanang suspek.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here