Itinuturing ng PNP bilang national security threat ang pagnanakaw ng datos ng mga Philippine passport holders ng dating contractor na humahawak dito.

Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, hindi lang ito banta sa pambansang seguridad kundi maging sa personal na seguridad ng mga indibiduwal na passport holders.

Ayon sa hepe ng PNP, hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanila ang Department of Foreign Affairs o National Bureau of Investigation kaugnay ng umano’y pagnanakaw ng naturang impormasyon ng isang pribadong company na dating sub-contractor ng APO, ang ahensya ng pamahalaan na in-charge sa pag-iimprenta ng mga pasaporte.

Willing naman aniya ang PNP na tumulong sa imbestigasyon kung hihingin ang kanilang tulong.