new clark city stadium SEAG

Nasa 70 porsyento ng kumpleto ang makabagong sports complex sa New Clark City sa bayan ng Capas sa Tarlac ilang buwan bago ang 30th Southeast Asian Games.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na matatapos nila ang nasabing state-of-the art sports complex pagdating sa buwan ng Agosto.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, kanilang mahigpit na susundin ang naipangako nila sa Pangulo.

Ipinagmalaki rin nito na hindi nagkaroon ng anumang danyos ang nasabing sports complex noong tumama ang magnitude 6.1 na lindol.

Magiging main hub ang Clark sa SEA Games na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 nitong taon.