GENERAL SANTOS CITY – Nabulabog ang mag-partner na babae at lalaki na nag-check-in sa isang lodging house matapos mahulog mula sa kisame ang isang lalaki at lumagapak sa kanilang kama.

Kinilala ang electrician na si Ricardo Segura, 35, residente ng San Isidro sa lungsod.

Sa imbestigasyon, lumalabas na dumiretso si Segura sa puwesto mismo ng dalawa.

Napag-alaman na dahil sa pagkagulat biglang napatakbo palabas ng silid ang babae at ang lalaki na mabilis na nagtakip ng tuwalya.

Tumanggi naman ang mga otoridad na ipasapubliko ang mga pangalan ng dalawag nag-check in.

Samantala, dinala sa pagamutan ang electrician bunsod nang tinamong injury ang bahagi ng kanang kamay nang tumama ito sa kama.