Isinasapinal na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang toll fee ng bubuksang Segment 3A ng C5 South Link Expressway sa Hulyo.

Aminado si DPWH Sec. Mark Villar na kritikal ang naturang imprastuktura dahil tatawirin nito ang itaas ng South Luzon Expressway.

Pero mapapabilis naman daw nito ang biyahe ng mga motorista na manggagaling ng Las Piñas at Parañaque na patungong malalaking business districts sa Metro Manila.

Ani Villar, posibleng maglaro sa P20 hanggang P22 ang presyo ng toll para sa naturang segment ng may habang 7.7-kilometers.

Target matapos ang proyekto pagdating ng 2020.