Parokya Ni Edgar
Parokya ni Edgar/ FB photo

Bumalik na sa kontrol ng Parokya Ni Edgar ang kanilang Facebook page matapos na ito ay ma-hacked ng mahigit isang buwan.

Sa inilabas na video ng kanilang frontman na si Chito Miranda, tiniyak nito na ibabalik nila ang mga tinanggal na mga laman ng kanilang page.

Sabik nitong inanunsiyo sa mahigit limang milyong followers nila na ibabalik nila ang mga tinanggal na mga music videos ng hackers.

https://www.facebook.com/ParokyaNiEdgarPH/videos/387245588593116/?t=4

Magugunitang noong Mayo ay pinasok ng hackeers ang nasabing page kung saan pinalitan ang mga post ng mga sex videos.