ILOILO CITY – Pinag-aaralan ng Iloilo City Government ang pagpapaliban sa Paraw Regatta Festival 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Illoilo City Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na ang nasabing plano ay bunsod na rin ng banta ng novel coronavirus.

Ayon sa alkalde, ito rin ang naging rekomendasyon ni Dr. Roland Jay Fortuna na siyang Medical Officer Iloilo City Health Office at focal person for coronavirus.

Nakatakda ang Paraw Regatta na itinuturing na oldest sailing event sa buong sa Asya sa darating na Pebrero 23 hanggang Marso 3.

Inaasahan na ngayong araw magpapalabas ng pinal na desisyon ang alkalde.

-- Advertisement --

Napag-alaman na wala pang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Iloilo, ngunit may walo na “persons under investigation” matapos nakitaan ng sintomas ng nakakamatay na virus.