-- Advertisements --
Para Dance Sport Team ng Phl

Kasunod ng kanilang tagumpay sa 2021 Para Dance Sport Polish Open na ginanap sa Łomianki, Poland noong October 9 at 10, 2021 pinarangalan ngayon ng Philippine Embassy sa Poland ang Para Dance Sport Team ng Pilipinas.

Pinangunahan mismo ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz ang pagbati at pagbibigay parangal sa grupo.

Makasaysayan daw ang tagumpay ng team na nakasungkit at humakot ng pitong ginto, apat na silver at walong bronze medals.

Kaya naman, ipagmamalaki raw ng Philippine Embassy at ng Filipino community sa Poland ang 17 miyembro ng koponan.

Pinangunahan ni Edelyn De Asis ang Philippine Team na nagtagumpay sa apat na magkakaibang kategorya sa torneyo.

-- Advertisement --

Tiyak na ang pagsali nito sa Para Dancesport World Championship na gaganapin sa Korea sa buwan ng Disyembre.

Nakamit kasi ni De Asis ang gold medals sa solo women class 2, junior calss 1 and 2, solo women class 2 freestyle habang naibulsa naman niya ang first place kasama si Julius Jun Obero sa duo freestyle class 2.

Dalawang gintong medalya pa ang nakuha ni Obero kasama si Rhea Marquez sa combi Latin class 2 at freestyle combi class 2.

Gold medals din ang naiuwi nina Jhona Pena at Joey Maglasang sa duo standard class 2.

Silver medals naman ang nasungkit nina Christian Apolinario at Jhistine Glyde Baguio at anim na bronze medals ang napanalunanni Anne Charlaine Santos.