House Congress
House of Representatives

Pasado na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang naglalayong taasan ang excise tax ng mga nakakalasing na inumin.

Sa unang pagdinig ng komite, pinagtibay ang House Bill 1026 sa botong 43-0.

Naging mabilis ang pag-apruba ng komite sa naturang panukala matapos gamitin bilang batayan ang House Rule 10 Section 48, na nagsasaad na ang mga panukalang nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa nakalipas na Kongreso ay maaaring maaprubahan kahit sa isang public hearing lang.

Sa ilalim ng ipinasang panukala, itataas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga nakakalasing na inumin mula sa ipinapatupad ng Excise Tax Reform Law on Tobacco and Alcohol.

Magkakaroon ng tinatawag na ad valorem rate na 22 percent, kabilang na ang specific tax rate per proof liter na P30, P35, P40, P45.

Samantala, magiging P650 naman ang unitary rate para sa mga sparkling wines, habang itinaas sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines.

Ang mga may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay magkakaroon ng P4.10 na pagtaas, pero P2.60 naman ang sa fermented liquors.