Ipinadala na ng Kmaara sa Senado para kanilang maaprubahan ang panukalang batas na naglalayong palawigin ang validity ng 2021 national budget hanggang sa katapusan ng 2022.
Sa botohan ngayong hapon, 168 kongresista ang pumabor, anim ang tumutol at wala namang nag-abstain sa House Bill No. 10373 kaya ito naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang COVID-19 pandemic pa rin ang siyang dahilan kung bakit isinusulong ang panukalang batas na ito, ayon kay House Committee Appropriations chairman Eric Yap.
Iginiit ni Yap na maraming ahensya ng pamahalaan ang apektado pa rin ang operasyon dahil sa nararansan pa ring pandemya.
Kaya nga nagkaroon aniya ng mga pagka-antala o hindi nagamit ang ilan sa mg aalokasyon para sa mga programa o proyekto ngayong taon.
Bukod dito, sinabi ni Yap na maraming alokasyon sa national budget ngayont 2021 ang para sa COVID-19 response.