Reading Time: 1 minute

Inaprubahan na ng House Committee on Health ang substitute bill ng panukalang naglalayong magtatag ng Malasakit Program at permanenteng maglagay ng Malasakit Centers sa mga ospital.

Sa pagpupulong ngayong araw, inaprubahan ng komite ang wala pang numerong substitute bill, o ang proposed “Malasakit Program Act” bilang complement sa nilalayon ng Universal Healthcare Law.

Ang Malasakit Center ay nagsisilbi sa ngayon bilang “one-stop shop” ng mga pasyenteng nangangailangan ng financial assistance na hindi sakop ng PhilHealth benefits.

Sa ngayon, 35 pa lamang ang Malasakit Centers na naitatatag sa mga ospital sa buong bansa.

Hangad ng panukalang ito na i-streamline ang financial at medical assistance para mabawasan ang financial burden ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.