Sinertipikahang urgent na ni Pangulong Rodrigo Duterte panukalang batas na naglalayong taasan ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno.

Sa sulat ni Pangulong Duterte kina Senate President Tito Sotto III na copy-furnished si House Speaker Alan Peter Cayetano na may petsang December 13 inihayag niyang sinesertipikahan niya bilang urgent measure ang Senate Bill 1219.

Ayon kay Pangulong Duterte, layunin nitong mapaganda at mapabilis pa ang public service ng mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng patas at maayos na sweldo para sa kanila.

Magugunitang sinabi ni House Committee on Appropriations Isidro Ungab na hiniling ng kanyang komite kay Pangulong Duterte na sertipikahang urgent measure ang Salary Standardization Bill 5.

Kapag tuluyang naipasa bilang batas ang consolidated bill, aakyat ng P11,000 hanggang P13,000 sa 2023 ang sweldo ng salary grade 1 employees habang nasa P20,000 hanggang P27,000 naman ang basic salary ng mga guro.