Hinihimok ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang dalawang kapulungan ng Kongreso na gawing prayoridad ang mga panukalang naglalayong ipagbawal ang substitution ng mga kandidato sa mga susunod na national elections.
Ayon kay Rodriguez, sa tingin niya ay mayroon namang consensus na ang substitution ay maituturing na “bad practice” at ginagawa lamang ito ng mga politiko at political parties dahil hindi naman ito ipinagbabawal ng mga umiiral na batas.
Dapat na ihinto na aniya ito para na rin ma-promote ang integridad sa halalan.
Kung magiging ganap na batas ang inihain niyang House Bill No. 10380, na naglalayong ipagbawal ang substitution maliban na lamang kung ang naghain ng kandidatura ay namatay o nadiskuwalipika, ay maari lamang maipatupad pagkatapos na ng 2022 May national elections.
Sa ngayon, sa ilalim ng Omnibus Election Code, pinapayagan lamang ang substitution kung ang naghain ng COC ay namatay, nadiskwalipi o nag-withdraw.