engaged then married

Mabilis na inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations ang panukalang batas para sa absolute divorce at dissolution of marriage.

Dahil aprubado na noong 17th Congress ang panukalang ito, ginamit na lamang ng komite ang Rule 48 matapos na nag-mosyon si Albay Rep. Edcel Lagman.

Si Lagman din ang siyang mangunguna sa binubuong technical working group para sa consolidation ng tatlong panukalang batas patungkol sa absolute divorce at dissolution of marriage.

Samantala, idinipensa ng kongresista ang pag-apruba ng komite sa kontrobersyal na panukalang ito sa pagsasabi na hindi naman ito makakasira sa isang pamilya.

Sa katunayan, marami aniyang benepisyo dito tulad na lamang ng pagkakaroon ng maayos na kustodiya sa mga anak ng mga magkakahiwalay na mag-asawa.

-- Advertisement --