Nilinaw ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na constitutional ang pansamantalang pagbabawal sa deployment ng mga healthcare workers sa ibang bansa.
Ginawa ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pahayag na ito matapos na tutulan ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang pagsuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa deployment ng mga Filipino health care workers sa ibang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Iginiit ni Locsin na iligal ang hakbang na ito ng POEA gayong labag ito sa right to travel, bagay na kinontra naman ni Rodriguez.
Ayon sa kongresista, tamang tinitiyak ng Saligang Batas ang rigt to travel, pero ang karapatan na ito ay subject aniya sa ilang exceptions tulad na lamang kapag nahaharap ang bansa sa peligro gaya na lamang ng sitwasyon ngayon dahil sa COVID-19.
Malinaw aniya itong nakasaad sa Section 5 ng Bill of Rights.
“I support the statement of the President last night when he took a contrary view to that of Secretary Locsin who is against the ban, stating that the latter’s view would be right only during ordinary circumstances when the country is not facing a pandemic,” ani Rodriguez.