Reading Time: 1 minute

Muling nagpatupad ng panibagong balasahan ang Philippine National Police (PNP) kung saan ilang senior officials ang itinalaga sa ilang key positions epektibo ngayong araw, June 25.

Ayon kay PNP spokesperson PCol. Bernard Banac, ang mga opisyal na itinalaga sa bago nilang puwesto ay batay sa kanilang merit and performance at inirekomenda ng PNP Senior Officers Promotion and Placement Board.

Ang mga opisyal na mayroong bagong puwesto ay kinabibilangan nina
Pol. B/Gen Nolasco K. Bathan, District Director, Eastern Police District, National Capital Region Police Office; P/Col. Domingo S. Cabillan, Acting Deputy Regional Director for Administration, Police Regional Office (PRO)-11; at P/Col. Florendo C. Quibuyen, Acting Executive Officer, Directorate for Research and Development, PNP.

Habang si Pol. M/Gen. Lyndon G. Cubos ang itinalaga bilang Director for Personnel and Records Management.

Inihayag pa ni Banac na sa mga susunod na araw ay magpapatupad uli ng rigodon kasunod ng pagretiro sa serbisyo ng ilang senior officials kabilang ang retirement ni PRO-6 regional director B/Gen. John Bulalacao.

Sa ngayon hindi pa pinapangalanan ng PNP kung sino ang papalit sa puwesto ni Bulalacao.