CEBU CITY – Tinatayang aabot sa P7.2 million ang halaga ng iligal na droga na nasabat sa pagroronda ng mga tauhan ng City Intelligence Branch (CIB) ng Cebu City Police Office ngayong umaga sa may Sitio Nangka, Barangay Quiot Lungsod ng Cebu.

Huli ang dalawang durugista na kinilalang sina Rafael Babatuan Sr., 41-anyos at ang kasama nitong si Jasper Abejo, 18, parehong residente ng naturang lugar.

Ayon sa hepe nga CIB na si P/Maj.Randy Caballes, itinuturing nilang mga high value individual ang mga nahuli.

Nakuha sa mga ito ang isang kilo ng shabu na isinilid pa sa isang bag ng ganador rice para magmukha rin itong bigas.

Nabatid na sunod-sunod ang mga buybust operation at follow up operation na isinagawa ng mga otoridad dito sa lungsod kung saan miilyon-milyong shabu ang palagi nilang nakukumpiska.