Kinumpirma ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra na maglalabas ang mga ito ng bagong department circular kaugnay sa umiiral na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan.

Ayon kay Guevarra, bukas nakatakda nilang ilabas ang circular.

Sa ngayon, sinabi ni Guevarra na nananatiling suspendido ang filing o paghahain ng pleadings sa DoJ.

Sa circular na ilalabas, mapapasama ang guidelines para sa filing ng pleadings at iba pang mahahalagang bagay o transaksyon na kailangang tugunan ng DoJ.

Bukod dito, ang circular ay para sa “uniform application” sa National Prosecution Service (NPS).

Maalalang kahapon kasabay ng paglalagay sa Metro Manila sa GCQ ay balik na rin sa trabaho ang mga empleyado ng justice department.

Pinapayagan na umano ng DoJ ang pagpasok sa trabaho ng kalahati 50 percent ng kanilang workforce. 

Ang ibang manggagawa na hindi naman aniya kailangan na magtungo ng personal sa opisina ay maaring magpatuloy pa rin sa kanilang work from home arrangement.