Isa pang batch ng walong preso ang pinalaya sa ilalim ng good conduct time allowance bilang bahagi ng pagsisikap ng Department of Justice (DOJ) na i-decongest ang mga pasilidad ng penal at bilangguan sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mas marami pang mga bilanggo ang inaasahang palayain sa ilalim ng naturang programa sa mga susunod na araw.
Ang pagpapalaya sa walong convicts ay naisakatuparan matapos bigyan ng executive clemency ni Pangulong Marcos ang 22 inmates noong Marso 9.
Ang naturang mga bilanggo ay pinagkalooban ng commutation of service habang ang iba ay binigyan ng conditional pardon.
Sinabi ni Remulla na ang DOJ ay nananatiling nakatuon na isakatuparan ang direktiba ng Pangulo na i-decongesting ang mga state penitentiaries at payagan ang mga repormang convict na magbukas ng bagong dahon.
Punto pa ni Remulla na ang decongestion sa mga piitan sa bansa ay isang humanitarian obligation.
Ito rin ay unang hakbang sa pagbibigay ng mas disente at conducive environment sa mga inmate para sa kanilang reformation.