Ibinahagi ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na sinabi nito sa mga Chinese officials na pagtibayin ang international law at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaugnay ng mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi raw ni Marcos sa sidelines ng ASEAN Summit sa Cambodia sa mga Chinese officials ang kahalagahan ng international law dahil sa epekto ng trade na dumadaan sa naturang area.
Ito ang naging tugon ni Pangulong Marcos sa katanungan kaugnay ng kanyang pakikipag-usap sa China kaugnay ng dispute sa naturang karagatan.
Ito ay isang araw matapos makipagpulong kay Chinese Premier Li Keqiang at nagkaroon daw sila ng pag-uusap sa partnership ng dalawang bansa ayon sa Office of the Press Secretary.
Bago ang kanyang biyahe sa Cambodia, sinabi ni Pangulong Marcos noong nakaraang linggo na umaasa itong mapag-uusapan nila ang isyu sa West Philippine Sea kasama si Chinese President Xi Jinping.
Kung maalala, naghain noon ng petisyon ang Pilipinas laban sa China noong 2013 dahil sa claims sa West Philippine Sea.
Naging matagumpay naman ang Pilipinas matapos manalo sa kaso.
Pero hindi naman kinikilala ng China ang naturang ruling,