-- Advertisements --
PBBMDTI

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na may pangangailangan na lumikha ng team na siyang magsasagawa ng pag- aaral sa aspetong teknolohiya upang mas maging maayos pa ang operasyon ng mga paliparan sa Metro Manila

Sa pakikipag- pulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council, Tourism Sector Group, Inihayag ng Chief Executive na naririyan lang ang kailangang teknolohiya at ang kailangan lang gawin ay i- adopt ito.

Sabi ng Pangulo batid niya ang mga hamong kinakaharap ang mga pangunahing paliparan sa bansa at isa na dito ang insufficient technology sa pagpo- proseso ng travel documents bukod pa sa space limitations.

Ayon pa sa Pangulo naririyan pa ang iba pang technical issues sa mga e-gates na humahawak ng passport at visa.

Ang pahayag ay ginawa ng Punong-Ehekutibo sa harap ng pagnanais nito na maipatupad ang ease of travel sa hanay ng mga biyahero at mapalakas ang tourism sector.

Pagbibigay diin pa ni Pangulong Marcos, dapat na namomonitor ang improvement sa mga paliparan ng bansa para Hhndi naman tayo napag-iiwanan.