CAUAYAN CITY-Namatay ang isang persons with disability (PWD) matapos saksakin sa Caralotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya

Ang sinaksak ay si Corazon San Andres, 55 anyos, may-asawa at Pangulo ng PWD sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakasakay umano ang 2 suspek motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Naglalakad umano si Corazon nang bigla umanong bumaba ang mga suspek at biglang sinaksak ang biktima ng dalawang beses.

Agad isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas.

Agad namang tumakas ang mga pinaghihinalaan matapos ang pananaksak.