DA WILLIAM DAR SWINE
DA Sec. William Dar

DAGUPAN CITY — Hinihikayat ngayon ng Department of Agriculture (DA) na mas palakasin pa ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang pagsuporta sa mga magsasaka at namamalakaya lalo na sa aspeto ng modernisasyon dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang nabatid mula kay DA Sec. William Dar, sa pagbisita nito sa probinsya.

Aniya, tinalakay na nito kay Pangasinan Gov. Amado ‘Pogi’ Espino III, ang hinggil sa pagbuo ng isang bagong organisasyon na tututok para dito at magsisilbi din bilang modelo o pilot area ang lalawigan.

Dagdag pa ni Sec. Dar, tatawagin itong Provincial Agriculture and Fisheries Extension System kung saan ang tatayong Chairman nito ay ang Gobernador habang magsisilbi lamang vice chair ang DA region 1.