Tinawanan lang ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang pangamba ni P/Supt. Lito Cabamongan na baka magaya siya sa sinapit ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na pinatay sa loob ng kulungan.

Naaresto si Cabamongan matapos mahuli sa akto na nag pot session sa isang bahay sa Las Piñas City.

Ayon kay Dela Rosa na dapat mas matakot si Cabamongan sa mga kapwa niya preso na pinagsisipa niya dahil baka bweltahan siya ng mga ito.

Inihayag ni PNP chief na walang interes ang PNP kay Cabamongan dahil sinira nito ang kaniyang buhay sa droga lalo pa na isa itong colonel.

Tiniyak ni Dela Rosa na ang tanging gusto niya lamang ngayon ay mapablis ang dismissal kay Cabamongan ay mabulok ito sa bilangguan.

Kaugnay nito ay ipinag-utos na ni Dela Rosa PNP Crime Lab na iimbentaryo ang mga iligal na droga na nagsisilbing mga ebidensya.