Inatasan ni Pang Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines na durugin na ang komunistang CPP NPA, Abu Sayyaf, kidnap for ransom group at iba pang mga criminal groups.

Ang panibagong direktiba ng Pangulo ay may kaugnayan sa panibagong insidente ng madugong pananambang sa mga pulis at ilang sibilyan sa Borongan Eastern Samar.

Una ng sinabi ni DILG Sec Eduardo Año na galit ang pangulo sa ginawang pag atake ng komunistang grupo.

Sa talumpati ng Pangulo, inutos nito na pulbusin ang mga terorista at criminal groups na naghahasik ng karahasan.

Giit ni Duterte sinumang grupo na lumaban sa government forces durugin na.

Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang ika-84 na anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw dito sa Kampo Aguinaldo.

Ibinida ng AFP sa Pangulo ang mga bagong biling kagamitan na bahagi ng kanilang modernization program.
Kabilang sa mga ito ay ang:

Amphibious Assault Vehicle
Augusta Westland
Multi-Purpose Attack Aircraft
Armored Vehicle M113 fire support vehicle
Pohang-class Corvette BRP Conrado Yap
Frigate BRP Jose Rizal
C295 Command and Control Aircraft

Pinarangalan din ng Pangulo ang mga opisyal ng AFP dahil sa katangi-tangi nilang ambag para sa pagtataguyod ng Kapayapaan at kaayusan.

Ginawaran ng Legion of Honor Award si WESMINCOM Chief Lt/Gen. Cirilito Sobejana; Order of Lapu-Lapu naman kina 1st/Lt. Deardito Layan ng Air Force, SSgt. Gary Prande, Sgt. Joel Montaño,Cpl. June Alvin Dumalanta.

Ito’y dahil sa kanilang hindi matatawarang ambag hinggil sa paglaban sa mga Rebelde at Bandido sa Mindanao lalong lalo na ang pagkakatugis at pag-neutralized sa mga lider Terrorista.

Samantala, gagawaran naman ng Distinguished Conduct Star si Capt. Rico Tagure dahil sa matagumpay na pagkaka sagip ng Militar sa mag-asawang Alan at Wilma Hyrons na dinukot umano ng Abu Sayaff sa Zamboanga.

Inalala din ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang lahat ng mga sundalong inalay ang kanilang buhay para mapanatili ang peace and order sa bansa.