Panelo
Sec. Panelo

Abala lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatrabaho sa Davao City.

Kasunod ito sa halos isang linggong hindi nakikita sa publiko ang pangulo.

Sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo, may mga ‘paperworks’ itong ginagawa sa Davao City.

Huling nakita ang pangulo noong nakaraang linggo sa pagbubukas ng Palarong Pambansa.

Magugunitang makailang ulit na ring ipinagtanggol ng Malacañang na walang malubhang sakit ang pangulo.