Nanindigan si Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi secondhand information ang matrix ng umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sec. Panelo, hindi galing sa unverified source ang lumutang na ouster plot gayung mismong ang pangulo umano ang nagbigay ng go-signal sa kanya para ito ay buksan at ilantad sa publiko.

Ayon pa kay Sec. Panelo, bilang abugado ay batay sa facts ang anumang kanyang iniaanunsiyo sa publiko.

Inihayag pa ni Sec. Panelo na tungkulin niyang ipakalat ang anumang mensahe o impormasyong nais na ipabatid ni Pangulong Dutertesa publiko at hindi niya maaaring kuwestiyunin ang nasabing direktiba.

“Ah, no. My job as Presidential Spokesperson is to relay whatever the President tells me to do. He told me to touch on the ouster plot and I did that,” ani Sec. Panelo. “Of course! Exactly! What are the facts? The President told me – that is a fact.”