LAOAG CITY – Masuwerteng walang tinamong galos ang 10 pasahero na sakay ng pampasaherong bus na sumalpok sa likod ng isang malaking dumptruck sa Brgy. Catuguing, San Nicolas, Ilocos Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Laoag mula sa hindi nagpakilalang driver ng bus ay inamin na nabangga niya ang likuran ng sinusunod niyang ng malaking dumptruck sa national highway.

Sa naging paliwanag ng driver ng Florida bus ay mag-oovertake sana sa sinusunod na dumtruck na may markang Ulep Trucking ngunit nag-overtake din ang naturang dumptruck.

Dahil dito ay nabunggo ng bus ang likuran ng dumptruck at nawasak ang harapan ng bus kasama na ang pagkayupi ng pintuan nito, nasira ang windshield at ibang damages sa harap nito.

Nagtamo naman ng kaunting galos ang driver ng bus.

Paliwanag ni Police Major Paul Benedict Parado, hepe ng PNP San Nicolas ay lumapas ang truck sa kanyang tutunguhan dahilan upang magpreno habang ang bus ay huli nang nakapagpreno dahilan ng pagsalpok nito sa dumptruck.

Agad namang nagkaayos ang dalawang driver at hindi na magpapabayad ang driver ng dumptruck habang gagamitin ng bus company ang insurance sa pagpapaayos ng nasirang bus.