KORONADAL CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima ng food poisoning matapos kumain ng tinapay sa bahagi ng Tupi, South Cotabato.

Ito’y matapos sinabi ng ama ng mga biktima na si Carlos Kayawi na kumain ang mga ito ng double body na tinapay bago sumakit ang tiyan at nagsuka.

Kaugnay nito, agad namang kinumusta ng may-ari ng bakeshop na si Rose Rabia ang mga biktima at tiniyak ang tulong sa mga ito.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Rabia, ipinaliwanag nitong ito ang unang pangyayari na naitala sa kaniyang negosyo sa loob ng pitong buwan nitong pag-operate ng bakeshop.