Sa publiko na humuhugot ng lakas ang pamilya ni dating Senate President Nene Pimentel.

Ito ang inamin ng kaniyang may-bahay na si Lourdes “Bing” Pimentel, sa harap na rin ng kaniyang pagluluksa.

Una nang inamin nito sa Bombo Radyo na request sa kaniya ng pumanaw na mister na huwag sanang umiyak, ngunit wala raw siyang magawa dahil talagang nalulungkot siya.

Kaya kumanta na lang daw si ginang Pimentel sa death bed ng kaniyang minamahal na kabiyak.

Abot-abot naman ang pasasalamat nito sa buhos ng pakikidalamhati mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Samantala, naniniwala naman si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro na maraming susunod sa yapak ni dating Sen. Nene.