Eddie Garcia 1
Eddie Garcia

Nagdesisyon na umano ang pamilya ni Eddie Garcia na ilagay sa do-not-resuscitate (DNR) status ang veteran actor.

Sinabi ni Dr. Tony Rebosa, ito ang napagkasunduan ng mga kaanak ng 90-anyos na si Garcia.

Pinasingunalingan din nito ang ulat na kinokonsidera ng pamilya Garcia na alisin na ang life-support para sa actor.

Umaasa pa rin ang mga kaanak ng beteranong actor na magkaroon ng milagro para sa tuluyang paggaling nito kasabay nang panawagan na panalangin.