ILOILO CITY – Desididong magsampa ng kaso ang pamilya laban sa driver ng Maza MX15 sports car na nakasagasa sa mag-asawang school principal at guro sa Diversion Road, Mandurriao, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa kapatid ng biktimang si Alnie Dinah Osano, sinabi nito na wala silang planong magpa-areglo sa driver na si June Paul Valencia.

Sa katunayan ayon sa kapatid ng biktima, tutungo sa lungsod ng Iloilo ang isa pa nilang kapatid upang tumulong sa pagproseso ng kaso.

Inihayag din nito na hindi niya kayang tingnan ang bangkay ng mag-asawang Alnie Dinah kag Joe Marie Osano matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima.

Ayon naman kay Staff Sergeant Rey Amihan, imbestigador ng Mandurriao Police Station, kasong two counts of reckless imprudence resulting in damage of property with multiple homicide ang isasampa laban kay Valencia.

Sa ngayon ayon kay Amihan, patuloy ang kanilang background check upang malaman kung totoo nga bang may dual citizenship ang nasabing driver.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here