Iloilo sea tragedy
Iloilo Strait sea tragedy rescue operations

ILOILO CITY – Inalala ng Local Government Unit ng Lambunao, Iloilo ang apat na guro ng Lambunao National High School na namatay sa nangyaring Iloilo Strait tragedy.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Vice Mayor Arvin Losaria, sinabi nito na halos tatlong buwan na ang nakaraan ng mangyari ang insidente ngunit ramdam pa rin ang sakit at lungkot sa pagkawala ng mga biktima.

Hanggang sa ngayon ayon kay Losaria, umaasa pa rin ang local government unit ng Lambunao na maipalabas na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring insidente.

Inihayag ng opisyal na kasabay ng Undas, mahigpit din ang ipinapatupad na security plan sa nasabing bayan.

Naag-alaman na ilan lamang sa mga binawian ng buhay sa nangyaring Iloilo Strait tragedy ay sina Ma. Emilie Legarda, Zenie Anilao, Lynlyn Janolino at Ivy Grace Labordo.