Isinasapinal na raw ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang ilalabas na Joint Administrative Order na magbibigay honorarium sa mga health care frontliners ng COVID-19.

Ayon sa DOH, kasama nilang bumubuo sa nasabing kautusan ang Department of Budget and Management at Department of Labor and Employment.

“We bear witness to the efforts and sacrifices of healthcare workers every day. That is why we are committed to effectively implement Sec. 4(f) of the Bayanihan to Heal as One Act.”

Dumaan na raw sa masusing review ang kautusan, at may retroactive application mula February 1, 2020.

Kung maaalala, binatikos ni Senate president Vicente Sotto III ang DOH matapos mabatid na hindi pa rin naibibigay sa pamilya ng mga namatay na COVID-19 frontliners ang pangakong kompensasyon ng batas.

Sa ilalim ng BAHO Act, makakatanggap ng P100,000 ang health care workers na malalagay sa kritikal na sitwasyon dahil sa pagiging frontliner.

Para naman sa mamamatay na health care frontliner, P1-milyon ang pangakong bayad danyos.

Ayon sa DOH, nagsimula na ang kanilang hanay sa pagco-contact sa pamilya ng mga namatay na health care frontliners.

“In preparation for its immediate implementation, our Public Assistance Unit has been calling the heirs of the 32 healthcare workers for the submission of necessary documents to claim the benefits. We are also gathering details of our severe patients so they can be informed of this benefit.”