Tanggap ng pamilya na aksidente ang nangyari sa pagkamatay ng tatlong batang magpipinsan matapos na makulong sa isang kotse sa Orion, Bataan.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, na-suffocate ang tatlong babaeng bata na may edad 6,8 at 9.

Naglalaro ang mga bata ng buksan nila ang nakaparadang kotse na pag-aari ng kumpanya kung saan nagtatrabaho ang ama ng isa sa mga biktima.

Kuwento ng ama na may sira ang lock ng kotse kung saan mabubuksan ito sa labas subalit mahirap itong buksan kapag ito ay nasa loob na.

Natagpuan na lamang ang insidente ng makita ito ng isang batang kalaro nila at itinuro ang kinaroroonan ng mga biktima.

Itinakbo pa ang mga ito sa pagamutan subalit idineklara na ang mga ito na dead on arrival.