CAGAYAN DE ORO CITY – Hiniling ng pamilyang Dormitoryo ang makatotohanang resulta sa ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo sa nakakatandang kapatid ng kadete na si Dexter Dormitorio, hiniling nito sa mga imbestigador na sana hindi maimpluwesiyahan ng politika ang resulta ng imbestigasyon.

Natatakot din ang pamilya ni Dormitoryo na baka magkaroon ng white wash sa pagpapalabas ng ebidensya lalo na’t mga mayayaman at kilalang personalidad sa lipunan ang mga pamilya ng tatlong persons of interest.

Sa ngayon, nakaburol ang katawan ng kadete sa Cosmopolitan Funeral Homes at nakatakdang ilibing bukas.

Una rito, inihayag ng pamilya ni Cadet Darwin na hindi na nila ipapa-cremate ang labi ng kanilang anak.