PMA FIELD INTERGRITY COURAGE

CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng pamilyang Dormitorio na sila ang naglabas sa kopya ng video kung saan makikita kung paano minaltrato ang namatay na si 4th Class Darwin Dormitorio ng kanyang mga kasamahang kadete sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dexter Dormitorio na kanilang inilabas sa media ang naturang video upang magbigay “awareness” sa publiko na walang magagawa ang 4th class cadets kapag napagtripan ng kanilang upperclass.

Aniya, kahit sila rin ay nasasaktan at nagiging emosyunal sa tuwing nakikita ang video dahil kanilang ring nararamdaman ang mapait na pinagdaanan ng kanyang kapatid na si Darwin sa loob ng military school.