CAGAYAN DE ORO CITY – Kontento ang pamilya Dormitorio sa takbo ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Philippine Military Academy (PMA) cadet 4th class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Dexter Dormitorio, masaya sila dahil araw-araw ay may update ang mga pulis sa kanilang imbestigasyon sa sinasabing hazing.

Umaasa si Dexter na mananatiling walang mangyayaring “white wash” sa imbestigasyon upang makamit ng kanilang pamilya ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Ikinatuwa rin ni Dexter ang pagsuko ng isa sa mga kadete na umano’y nambugbog kay Darwin.

Inihayag pa nito na malaki ang kanyang paniniwala na hindi lamang tatlo o apat ang responsable sa pagkitil ng buhay ng kanyang kapatid.