Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Naiuwi ng Filipino- Belgian beauty queen na si Roxanne Baeyens mula Baguio City ang pagiging first runner up sa Miss Tourism and Culture Universe na ginanap sa Yangon, Myanmar.

Napabilang ang 22-anyos na dalaga sa Top 5 ng national costume competition kung saan bumida siya bilang ang Filipino comic superhero na si Darna. Napanalunan din nito ang Miss Popularity award.

Ayon kay Baeyens, masaya siya sa nakamit sa kanyang first ever international pageant na sinalihan at isang malaking karangalan na mabitbit ang pangalan ng Pilipinas.

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng mga taong naniwala at sumuporta sa kanya.

Kamakailan, si Baeyens ang nanalo sa Face of Tourism Philippines 2019 kaya naman siya ang nagrepresenta sa bansa sa international pageant nito.

Samantala, si Olivia Gunawan ng Indonesia ang tinanghal na Miss Tourism and Culture Universe 2019.